Filmography: Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? (1987)
This slideshow requires JavaScript.
“…Si Val! Si Val! Si Val! Si Val na walang malay?! Si Val na ang tanging kasalanan ay naging anak ng mommy mo sa ibang lalaki! At nitong nasira na ang kanyang pagiisip…ay alam n’yo bang si Val pa rin ang pinanagot nila sa isang responsibilidad na dapat sana’y ikaw Rick ang nanagot!…ayan ang magaling n’yong apo, itanong n’yo sa kanya kung sinong ama ng batang binigyan ng pangalan ni Val!” – Stella
Basic Information: Directed: Eddie Garcia; Story: Gilda Olvidado, serialized in Pogi Komiks; Screenplay: Armando Lao; Cast: Vilma Santos, Ricky Davao, Tonton Gutierrez, Cherrie Gil, Gloria Romero, Alicia Vergel. Alicia Alonzo, Perla Bautista, Jonee Gamboa, Rey Hipolito, Suzanne Gonzales, Eddie Arenas, Rose Rosado, Vangie Labalan; Executive producer: Vic Del Rosario; Original Music: George Canseco; Cinematography: Romy Vitug; Film Editing: Ike Jarlego Jr, George Jarlego; Production Design: Manny Morpe; Sound: Rolly Ruta; Theme Songs: “Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?” performed by Basil Valdez
Plot Description: Stella got pregnant by boyfriend Rick. Unfortunately, Rick is not willing to gamble on his inheritance. He is tied up with a promise to his super snotty, super rich old grandmother that he have to finish law school before he can get any money. In order to avoid scandal Stella agreed to be married to Rick’s retarded brother, Val. Together with his adopted family Stella learned to love the retarded Val and at the same time discovered that Val is a product of infidelity that cause the suicide of Rick and Val’s father. Unfortunately Stella’s new found love ended when Val accidentally fell from a window when he had a fight with his irrational brother one night. – RV
Film Achievement: 1987 FAMAS Best Director – Eddie Garcia; 1987 FAMAS Best Picture – Viva Films; 1987 FAMAS Best Cinematography – Romy Vitug; 1987 FAMAS Best Sound – Rolly Ruta; 1987 FAMAS Best Story – Gilda Olvidado; 1987 FAP Best Cinematography – Romeo Vitug; 1987 FAP Best Director – Eddie Garcia; 1987 FAP Best Picture – Viva Films; 1987 FAP Best Supporting Actress – Gloria Romero; 1987 STAR Best Picture – Viva Films; 1987 FAMAS Best Supporting Actress nomination – Gloria Romero; 1987 FAMAS Best Actor nomination – Tonton Gutierrez
One of Vilma Santos and Gloria Romero 13 films – (Anak ang Iyong Ina, Iginuhit ng Tadhana, De Colores, Pinagbuklod ng Langit, Anak ng Aswang, Lipad Darna Lipad, Happy Days are Here Again, Karugtong ang Kahapon, Nakakahiya?, Hindi Nakakahiya, Makahiya at Talahib, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?, Kapag Langit Ang Humatol) – RV (READ MORE)
Film Reviews: Nang malaman ni Stella na buntis siya ay pinilit niyang managot ang kasintahan nitong si Rick, isang law student na tagapagmana na ariarian ng kanyang matapobreng lola. Dahil sa panakot na mag-i-iskandalo’y ipinakasal nila si Stella sa kapatid ni Rick na retarded upang hindi mawala ang mana nito at kasabay ay maiwasan ang kahihiyan ni Stella na mabuntis ng walang asawa at ama ang kanyang dinadalang bata. Kasabay ng pagbubuntis ni Stella ay natutunan nitong mahalin ang retarded na si Val. Kasabay rin nito’y natuklasan ni Stella na si Val ay anak sa labas ng kanilang ina at ito’y hindi sinilang na kulang-kulang. Dahil sa kalupitan ng matapobreng lola ng mga bata’y nahulog ito sa hagdanan ng pagbintangan si Val ng matandang nagnanakaw ng pera. Nahulog ang batang si Val habang pinapalo ito ng kanyang ina. Isang gabi’y nagwala si Val nang Makita nitong nakikipagtalo si Stella kay Rick. Sinunggaban ni Val si Rick at nagaway sila. Ang naging resulta ng pag-aaway na ito’y aksidenteng nahulog sa balkonahe ang kaawa-awang si Val.
Namatay ito at sa araw ng libing ay dumating ang matapobreng matanda para ibigay ang abuloy nito kay Stella. Isinauli ni Stella ang tseke sa matanda at ipinahayag na si Val ang ginawa nilang ama ng kanyang anak pero ang tutoo’y dahil sa takot na mawalan ng mana’y ito ang pinaako ng responsibilidad ni Rick. Galit na umalis ang matanda at tuluyang naglaho ang mana ni Rick. Nagdesisyon na iwan ni Stella ang bahay kasama ng kanyang anak. Mula sa direksiyon ni Eddie Garcia, ang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig ay hango sa komiks. Bagama’t mahahalatang puro isang dimensiyon lamang ang halos lahat na karakter ng pelikula’y mahusay naman naihayag ni Direktor Eddie ang komiks na komiks na istorya nito. Bakit kailangang maging binata si Rick habang nagaaral ito ng abogasya? Bakit napakahalaga ito sa matapobreng si Alicia Vergel? Bakit may nakatakip ang isa sa mata ng matanda na parang bandido? Sa ubod ng yaman ng matanda hindi ba puedeng maglagay ng pekeng mata kesa sa bendang itim? Bagamat nakakatawa ang obserbasyon na ito’y dahil sa bisyuwal na kaanyuan ng matapobreng matanda kung kaya naman epektibong makikita ang pagiging kontrabida nito.
Tulad ng “Paano Ba Ang Mangarap,” merong ‘dream sequence” ang pelikula kung saan kunwari’y hinuhusgahan si Val na isang baliw. Kung puputulin ang eksenang ito’y hindi magiging sagabal sa paglalahad ng buong istorya ni Gilda Olvidado. Mula sa lumang bahay hanggang sa eksena sa libingan ay mahusay ang sinematograpiya ni Romy Vitug at disenyong pangproduksiyon ni Manny Morpe. Mahusay ang mga katulong na artista mula kay Cherrie Gil, Alicia Alonzo at Alicia Vergel. Mahusay rin si Ricky Davao bilang Rick at Gloria Romero bilang ina ni Rick at Val. Ngunit ang pelikulang ito’y tungkol kay Val at bilang si Val ay nabigyan ng mahusay na pagganap ni Tonton Gutierrez ang papel na sinto sinto mula sa pagsasalita na utal utal haggang sa pisikal na mukha at pa-ika-ikang paglalakad. Tulad ng inaasahan, mahusay si Vilma bilang si Stella. At tulad ng maraming pelikulang ginawa niya sa ilalim ng Viva at sa direksiyon ni Eddie Garcia ay merong linya o dayalogo siya na hindi malilimutan, ito ay nang bigkasin niya ang linyang, “…si Val, si val na wala naman malay…” na magpahanggang ngayon ay natanim sa mga Pilipino na mahihilig sa pelikulang tagalog. – RV
“…When Eddie first entered show business, “I said to myself, I’m going to give myself 15 years to be able to direct my first movie. Fortunately, it took me 12 years–or three years earlier than I had planned.” He considers Saan Nagtatago ang Pag-Ibig as his most memorable directorial assignment…” – Sol Jose Vanzi (READ MORE)
“…Ah, how I love the Vilma-Gloria confrontations. “Si Val, si Val, ang kawawang si Val!…” The movie was again a monster hit from Viva Films. FAMAS Best Picture and a supporting actress award for Ms. Romero…” – Mario O. Garces (READ MORE)
“…He explained that a lot of craft likewise went into these glossy dramas. He cited two scenes in the Vilma Santos tearjerker “Saan Nagtatago ang Pag-Ibig,” released in 1987: “Cinematographer Romy Vitug and I waited until late afternoon, when the columns at the back of the Manila Film Center formed long shadows. For another scene, we waited until dusk so the funeral procession would be reflected on a pond in the cemetery…” – Bayani San Diego Jr. (READ MORE)
